Oh, mirror in the sky...


...

I'm not emo okay. I just felt like it haha.

Since everybody has something like this

Image hosted by Photobucket.com

I am sometimes may be associated with: ***** *********, ****** *********, 59, 7G 2004, a cool mom, a super mom, antipara-wearing... errr, bass-ing, bananas, being hyper, being sabog, being sad, bilog na buwan, black, blogs, brit chick lit, brooklyn pizza, brownies, buwan, chat logs, cheesecake, cookie crisp, curly hair, daniel radcliffe, darkness, disney, doodling, Family Guy, fete de la musique, full moon, giggly-ness, guitar-ing, guitarists, harry potter, imaginary yahoo emoticons, insanity, kittie, lakwatsa, lhasa apsos, messy-haired guys, mga bituwin, music, noise, notebooks, nu107, "old friends", opm, pagawaan ng lapis, peaches and herb (haha), pictures, purple, purple teddy bears, rock, sanity, sketch books, slytherin, S.O.C., stars, Stewey, straw-biting, straw-eating, stuttering, swimming, that really funny laugh, the sky, turtles, vanity, web design, white chocolate, window seats and yahoo messenger


Links


The 70's Bistro  |   The Academy Is  |   Armor For Sleep  |   Aura  |   A-Z Lyrics  |   Blogger  |   Blogskins  |   Bridge  |   Brownman Revival  |   Cambio  |   Caption City  |   Cheese  |   Chicosci  |   Ciudad  |   Cris  |   Days Away  |   Disturbed  |   Eye-me and the Royal Skavengers  |   Fall Out Boy  |   Fete de la Musique 2004  |   Fiesta Mundo  |   Friendster  |   Gym Class Heroes  |   Image Productions  |   Happy Meals  |   Hazel  |   Indie Culture Online  |   Indiefilipino  |   Itchyworms  |   Jennifer Arroyo  |   Killswitch Engage  |   Kinkyhooters  |   Kittie  | Lamb of God  |   Live Journal  |   Lokomotiv  |   Loquy  |   Maystar Designs  |   Meg  |   Mercedes Lander  |   Metal Injection  |   The Mongols  |   Monsterbot  |   Mudvayne  |   Name Taken  |   NU107  |   p_noize  |   PhilMusic  |   Pony  |   Radioactive Sago Project  |   Razorback  |   Red Horse  |   Rikrik and Tintin  |   The Rock of Manila  |   saGuijo  |   Say Anything  |   Saydie  |   Shards of Ice  |   Sir Pats  |   Slipknot  |   Something Corporate  |   The Starting Line  |   Stonefree  |   Sugarfree  |   Suicidegirls  |   Swim Interactive  |   Talena Atfield Online  |   Taboholic  |   Taking Back Sunday  |   Twisted Halo  |   Typecast  |   Ultimate-Guitar  |   Urbandub  |   Wacom  |   Warwick  |   Yahoo! Messenger  |   Zobel  |   Zoom Zoom Lunacy  |     
www.pinoyblonde.com       


Archives

February 2005 March 2005 April 2005 May 2005 June 2005 July 2005 August 2005 September 2005 October 2005


Credits

Hands picture from here.



Sunday, October 16, 2005
    wag na kasing kumampi para sa iba

May mga tao na pwede mo lamang tingnan mula sa malayo mong kinalulugaran dahil siguro masyado silang mataas at 'di maabot-abot ng tulad mo, mga taong 'di mo inaasahang kahit kailan ay malalapit sa inyo. Pero kung mangyari nga na makilala mo sila, dalawa ang nakikita kong posibleng mangyari: una, mananatili yung mataas mong pagtingin, o, pwede ring mawala yung respeto mo na parang bula o kandilang hinipan ng batang may birthday pagkatapos ng matagal na Getting to Know You. Hindi ko masasabing kadalasang nangyayari yung huling nasabi, nagkataon lang sigurong yun ang nangyari sa akin. Ewan ko, hindi ko sigurado.

Sa umpisa, akala ko shet siya na ata ang pinaka matinong taong nakilala naming nangligaw sa kanya ever. Ang tagal tagal kong naging malakas sa akalang iyon dahil wala akong nakitang kahit anong masamang ugali sa kanya. Sa tagal kong naniniwalang siya na nga yung pinakamabait ever, mali din pala ako kasi wala nga palang ganon. Wala nga palang ganon.

Ngayong tapos na lahat, wala na akong magagawa para magbago pa. Kasali rin ako sa may kasalanan ng lahat-- naging parang endorser pa ako dahil sa pagkabulag ko sa inakala kong kabaitan niya. Ipagdadasal ko nalang na 1.) umayos, o 2.) matapos. Tatahimik muna ako dahil ayaw ko ring magkagulo pa. Bago ako magsalita, maghihintay ako ng tanong. At saka sa susunod, 'di ko aalisin sa isip kong wala talagang ganon, kasi wala.

Ptoing! 11:01 PM



Thursday, September 22, 2005
    with you too

It's not very comforting that each time I sit here and sign in, I feel like signing out and leaving. This used to be something I could do all day (my screaming at my brother who wants to print out his homework is enough proof) But now, I just can't seem to stay here and I just can't bear to see his statuses, which for some (or no) reason, always make me feel condemned. But nevermind. Think 'He's stupid.' Think 'He's a waste of time.' Think 'He's a waste of money.' Yes he is. That asshole.

I just wanna keep track: It's been six days and I haven't opened any of the last 13 messages. I'm opening them tomorrow, same time. If I find myself opening them before time, then maybe it means I still like the bastard.



Two quizzes tomorrow. Three out of my four kabarkadas might not be going to school--- leaving just two of us. Plans for tomorrow possibly ruined. Spare me. I can't wait 'til the week's over. Why did school have to be five days a week and 'break' just two? Just a few hours over 24 and I'll be seeing what's in them.





With you too.

Ptoing! 5:59 PM



Saturday, September 17, 2005
    bitch

sinong tutulong sayo

ngayon?

Ptoing! 10:02 AM



Wednesday, September 07, 2005
    sige na nga

Wala akong maisip na paraan kung paano ko mailalagay sa salita yung mga nangyari nung ilang nakaraang araw. Ganito nalang, litrato kapag hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nagsimula yung exams namin nung August 30, natapos nung September 1. Wala kaming pasok nung September 2 kasi Achievement Holiday raw. Lumabas lang kami nung gabi kasi nanood kami nung Mojofly thing. (haha next time nalang yung pictures, nasa kabilang computer eh.)

Umuwi lang kami ng sandali pagkatapos nung thing, nagpack, natulog ng mga isang oras, at tapos nun ay umalis na para mag Baguio.

Wala naman kaming ginawa nung unang araw namin doon. Nanood lang kami ng Sugarfree nung gabi tapos natulog na pagkatapos haha.

sm sugarfee hahaha

sm sugarfee hahaha

sm sugarfee hahaha

sm sugarfee hahaha

sm sugarfee hahaha



Maaga-aga kami nagising nung susunod na umaga pero hindi rin kami lumabas agad. Nag-ukay lang kami ng ate ko nung hapon, nagsimba pagkatapos, at naghapunan na. Pagkatapos nun, nagikot lang kami sandali tapos bumalik na sa kwarto para... matulog. Yehey.

Absent ako nung Monday kasi duh haha nasa Baguio pa kami nun. Nung Monday lang talaga kami lumabas ng maaga: nag Good Shepherd kami para bumili ng ube at kung ano ano pa, tapos pumunta kami dun sa gallery ni Kidlat Tahimik (na super cool sobra kahit inaayos pa) tapos nag McDo para mag (late) lunch dahil yun lang ang kinakain ng kapatid ko.

yehey Baguio i love you

yehey Baguio i love you

Pagkatapos nun... bumalik na kami para mag check out. Ang saya kasi dalawa yung superduper cool na nakita namin bago maka-alis. Una, pag tingin namin sa labas ng bintana ay may bahaghari-- ang ganda kasi kita na yung arko niya, para bang alam mo kung nasaan yung kabila. Yung pangalawa naman (bago sumakay sa kotse) nakita namin si Piolo hahahahaha. Tapos umalis na kami. Babay, Baguio.

yehey Baguio i love you

yehey Baguio i love you



Sobrang hilo ako mula zigzag hanggang La Union. Hindi rin ako nakatulog kasi pinagkape ako (para daw mawala yung sakit ng ulo) at parang ang tagal nung 'paglalakbay'. Halos anim na oras din ang pauwi galing Baguio, wala pa doon yung stop-overs. Inumaga kami, at kahit inumaga na nga ay hindi pa din ako makatulog pag-uwi. Mga 3:30 na siguro nung nakatulog ako. Sabi ko maghahalf day ako pero hindi na din ako pumasok kasi dalawa nalang yung subjects namin sa hapon tuwing Tuesday. O siguro tamad lang talaga ako.

Ang saya nung paglagi namin kasi yun na yung oras ko para tanggalin yung isip ko sa lahat ng nakabibinat na kaisipan. Magkikita muli tayo, Baguio. :D



ah tapos bago nga pala layout ko. hindi ako nagpapaka-emo or whatever. sobrang wala lang akong magawa nung absent ako.

Ptoing! 10:28 PM



Monday, August 29, 2005
    yipee

Umaumaga, sinisilip ko yung Sun kong phone para tingnan kung may text (parang dati) Dalawang magkasunod na umaga, meron. Akala ko siya pero Sun pala. Wow. 'Di ko nga alam kung bakit naka-on pa yun, eh alam ko namang 'di na kami mag-uusap. Siya lang naman may alam ng number ko (bukod sayo Aie) Weird ako forever.

Ito nanaman yung walang kwentang studyanteng mag-eexam week. Pero 'di bale, GOLD na sila... it's only right. Hahaha. Sorry kung may mga buhok at ulo. Yan na yung pinaka kaya ng Photoshopping ko eh.



happy 6th anniversary wahu

happy 6th anniversary wahu

happy 6th anniversary wahu

happy 6th anniversary wahu

happy 6th anniversary wahu
May kandila kasi sa mesa namin. Medyo malayo
kami sa band tapos pangit yung mga kuha ko kasi madilim so
ito nalang kinuhanan ko.


happy 6th anniversary wahu
G kasi kasama ko si Giselle.

happy 6th anniversary wahu
B kasi B ang name ko haha

happy 6th anniversary wahu
P kasi Paola (tumatawag pa talaga mom ko, 'di ko mabitawan
yung camera haha)

Anyway... walang pasok bukas (or... ngayon) kasi NATIONAL HEROES DAY raw. Ibig sabihin nun nadagdagan oras ko para mag-aral.

Ptoing! 12:58 AM



Monday, August 22, 2005
    9:24 PM

Sana wag ako ang tanungin niyo ng "Ano kelangan sa chem?" kasi ako nga yung absent diba?
Paano naman kami nagkatumbas ng Francium?
Matagal kaya makapunta doon? Saan dumadaan?
Bakit kailangan pa nila pag-usuapan kung magkakaroon kami ng sembreak?
Kailangan ko ba talaga pumasok bukas?

Ptoing! 9:24 PM



Sunday, August 21, 2005
    w+

Nakakalungkot isiping kakakita mo mo lang sa kanyang nakatayo kasama ng mga tao, tumatawa't nagkekwento tapos sa susunod na araw malalaman mong may nangyari sa kanya ilang oras tapos mo siyang nakitang nakatayo kasama ng mga tao na tumatawa't nagkekwento. Nakakalungkot isipin na isang araw pagkatapos mong malamang may nangyari sa kanya ay mawawala na siya. Nakakalugkot isipin na kahit hindi ko siya kilala talaga ay parang napapaluha ako pag iniisip ko yun.




Nakakalungkot na hindi mo na maririnig ang musika niya


Ptoing! 5:32 PM



Monday, August 15, 2005
    pu*anginangdrama!!

Wala pa 'atang Lunes kung kailan ako hindi sumimangot sa paggising sa akin ng alas sais ng umaga, na parang konting inis na lang ay masisipa ko na sa mukha yung nanggigising sa akin. Ibang storya naman kanina.

Nagising ako ng 5:20 (kahit 5:00 ang alarm ko) at tumuloy sa computer para ma-iprint yung minadali (pero pinaghirapan) kong project sa T.H.E. Iritang-irita ako nang malaman kong sira pa rin yung printer, tulad ng sira nito kahapon. Paulit-ulit kong sinubukang i-print, pero kailan nga ba naman ako hindi minalas? Mabigat akong tumayo mula sa upuan, pumuntang banyo at naghugas ng mukha para mahugasan rin yung tensyon dahil sa printer na hindi maasa-asahan. Dali-dalian kong dinampot lahat ng iba kong gamit at isinaksak sa bag pagkarinig ko sa school bus. Marami akong dala, at dahil sa bigat ng madaming gamit na iyon, naramdaman ko ng totoo yung bigat dahil sa... printer. Nakakunot akong umalis ng bahay, at nakakunot akong umupo sa sasakyan papuntang school, nakakunot, nakakunot ang noo ng higit isang oras. Bakit ganun? Umaga pa lang, gusto ko nang matapos yung araw dahil sa inis. Yung naluluhang klaseng inis.

Ngayon ko lang naramdaman at hindi ko alam kung gaano ka tagal ko mararamdaman pero naiinis ako sa high school, naiinis ako sa Chem, naiinis ako sa mga teacher na bigay ng bigay ng gawaing bahay at schedule ng schedule ng tests araw-araw. Eh hindi pa nga ito yung taluktok ng termino tapos ganito na ako?

Shet.

Ptoing! 8:59 PM



Thursday, August 11, 2005
    ack


Ptoing! 6:36 PM



Tuesday, August 02, 2005
    sabi kong babawi ako kaya ito

Grabe, ito na 'ata ang pinaka meaningful na layout na ginawa ko ever. Haha. Sa imagination ko kasi, itong-ito yung karma dahil sa ginawa niya. Haha, jusko.

Anyway, sabi kong babawi ako kaya ito.

SABADO.
Admit One- 'di nagpunta si Aie dahil... hindi ko alam. (haha) Ang saya kahit kalahati lang naabutan ko, at, bumibiyak ulo ko habang nakatayo ako sa bato-batong parking lot sa Guijo. Pumasok nalang ako nung huli na kasi nga doon lang naman nawala sakit ng ulo ko. Ang saya! Ang saya kasi pagkatapos ng Cambio mag play ng songs nila ay nagplay sila ng *drumroll* Eheads songs! So diba? San ka pa? Sa konti ng pictures na nakuha ko, nagnakaw na lang ako ng konti pa. Haha.

Image hosted by Photobucket.com

yehey
Hanggang ngayooooon! (Ueyyyyy!!!)

yehey

yehey

yehey
Kung bakit 'yan, di ko alam. Haha.

Last four pictures ay mga kuha ni Chelle :D


LINGGO.

Nag Los Baños kami dahil lang gusto namin mamasyal. Nag-ikot-ikot kami at naghanap ng milk. Wala lang. Tapos tumigil kami sa may gas station na may Stabucks at KFC at Kebab King at madami pang ibang stores tapos nag stay muna kami roon. (Pinakakanta namin siya pero ayaw niya)

Take me baaaaaaaaaaaaaaacckk to my hooooome!

los baños

los baños
Cute nung road. Hahaha!

los baños


KANINA.
Higit anim na oras akong naging isa sa mga anak ni Nanay Maria, o kapatid nina JenJen (...at mga kapatid niyang may mga pangalang nalimutan ko) Sa mga anim na oras na iyon, ang dami naming napagkwentohan at masayang masaya akong nagkaroon kami ng pagkakataon tulad nito.

Ang saya kasi nakapaghanda kami ng pagkain, nagkamay, nagkarga ng madaming madaming bata (na umabot na sa puntong 'di ko na naaalala yung mga pangalan nila kasi ang dami dami talaga) at nakapaglakad-lakad sa makikitid na daanan nila sa Gawad Kalinga tapos nakakasalubong mo yung mga kapitbahay at kaklase. Ang saya kasi hindi ako nagpaka-arte for once. Ang saya, 'pramis'.

'Di ako masyado nakakuha ng madaming litrato naming magkakaklase kasi inubos ko ang memory't battery ko sa B&W dramatic shots ng mga bata.

B&W dramatic shots

B&W dramatic shots

B&W dramatic shots
Nagaaway sila!

B&W dramatic shots

B&W dramatic shots

B&W dramatic shots
Ito favorite ko of aaaaall!

B&W dramatic shots

B&W dramatic shots

B&W dramatic shots


SA 19.
Image hosted by Photobucket.com
aie 975!

So ayun. Yan na yung pangbawi ko HAHA. May quizzes kami bukas at grabeng pagod ako.

Aie wag mo tanggalin status mo.

Ptoing! 8:35 PM



Saturday, July 30, 2005
    because i'm not ashamed and i love my throat

lalamunan

Anyway... Admit One mamaya. Haha. Aalis na ako babay

Ptoing! 5:46 PM



Wednesday, July 27, 2005
    reco


sg


sg
I can explain. I had to sneeze!

Ptoing! 6:56 PM



Tuesday, July 26, 2005
    o diba, ang saya saya

Kaninang umaga nagising ako sa madilim-dilim na ilaw na galing sa bintana, yung klaseng kulay kapag wala pang ala sais ng umaga. Nagulat lang ako kasi gising na ako ng ganoong ka-aga (e alam ko namang alas tres ako natulog!) samantalang kapag ordinaryong araw naman (na tulog na ako ng alas dose) ay hindi ko manlang naaabutan yung ganun na kulay ng langit. Napatunayan ko lang ata ang hindi ko pagiging normal. Haha!

Walang pasok kahapon... mabuti nalang nga. Kagagaling ko lang sa nakabubugbog na pag akyat-baba sa Baguio at nagpapasalamat ako na hindi ko kinailangang magising ng maaga kahapon at nakabawi ako. Tinulog ko (ng halos diretso) ang ala una ng madaling araw hanggang alas singko ng hapon. Para na nga ata akong patay, pero 'di naman siguro. Haha, mantika lang. Ah, yung mahabang tulog ko, bukod pa nga pala sa gusto kong bumawi, sabi ko lang sa sarili ko matutulog ako ng matagal para makalabas ako sa gabi at pumuntang...








Mayrics! Hahahahahaha!





Oo na, madaya akong tao. At higit sa lahat, walang kwentang istudyante. Yehey! Hahahaha!










Image hosted by Photobucket.com
Akin ka nalaaang!

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
Magnanakaw si Beng hahaha

Image hosted by Photobucket.com
Wow now I can wash my face!

Image hosted by Photobucket.com
Superduperbonggangbongga!

Ptoing! 6:15 PM



Tuesday, July 19, 2005
    awwwwww

I'll miss you, Camyyyyyyyyyy!!!!!

Ptoing! 6:24 PM



Friday, July 15, 2005
   

It's weird to blog at 6am pero na-aanxiety na ako.


Ptoing! 6:17 AM